Posts

Showing posts from August, 2022

Alaala

Naaalala ko pa rin ang iyong maamong mukha, mga matang mapang-akit, at mala-musika mong tinig.  Ikaw ang dahilan, ng unang pintig ng puso, paano ko ba malilimot ang sandaling tayo'y nagkatagpo?  Sa isang saglit, puso Ko'y nangusap, ito'y nagsasabi na ikaw ang Pangarap! Wala akong ibang hangad kundi makapiling ka. Ang puso nga ay walang kasingsaya! Maging paligid tila ba umulan ng Rosas. Makulay na makulay, wari ba ako'y idinuduyan.  Anong ligaya at saya nang ika'y nakilala, ikaw ang nagbuo sa buo kong pagkatao. Ikaw na siyang unang nagpatibok ng puso. Sampalin man ako nang katotohanang, Hindi ako ang mahal mo!  Masaya pa rin akong, dumaan ka sa landas ko.

Nasilayan sa balintataw

                                 PAGSILAY Sa muling pagtilaok ng manok, isang umagang maningning ang hatid, at iminulat ko ang aking mga mata, may ngiti sa mga labi at nakahiga sa malambot at magandang kama habang sinisilayan ang masiglang umaga, may sinag mula sa silangan na tumatagos sa salamin ng bintana ng aking silid. Sa aking pagbangon ay  pinagmamasdan ko ang aking mga minamahal na anak sa  kani-kanilang silid-tulugan at masayang sila'y nakikitang nasa maayos na higaan, komportable at hindi na nagsisiksikan.  Ito ang pinangarap kong tahanan, Hindi kalakihan, may ikalawang palapag, isang bahay na sapat para sa aking pamilya. May kompletong bahagi bilang  isang tahanan. Mayroon nang elektrisidad, may masaganang daloy ng  tubig kung saan di na kailangan umigib at maghintay sa mahabang pila ng pagsalok. May malawak na bakuran sa labas at magagandang halamang namumulaklak. Isa...