AKO AT AKING AWIT

                               AKO

Sa aking kasalukuyang sitwasyon, ang tulad Ko'y isang kawayan na nakatungo habang  hinihipan ng malalakas na hangin kasabay ng bugso ng ulan. Isang Puno ng kawayan na nagtutumibay sa pagharap sa unos. Bagaman mukhang mahina at ibinabaling ng hangin sa kanyang paghihip, ang kawayang ito ay nananatiling matatag na puno kahit nakatungo at nahihirapan. 

Ito'y dahil ayokong sayangin ang oportunidad para sa aking Pangarap, bagaman ako'y punò ng alinlangan sa aking sarili dahil batid ko ang aking mga kahinaan, ay gusto ko pa rin magpatuloy sa kabila ng mga problema na aking hinaharap. Hindi madali ang sakripisyo ng isang inang tulad ko, kaya't ito'y isang hamon sa aking buhay kung paano ko ito mapapanagumpayan. 

Anim na buwan pa lang sa ngayon ang aking munting anghel na ikatlo sa aking mga supling, at isang mahirap na pagpili ang kailangan kong gawin, Paghinto o Pagpapatuloy sa pag-aaral. Subalit ako'y nananalig na magagawan ko pa rin ito ng paraan sa gabay ng maykapal. Matagal Kong hinintay ang pagkakataong ito na muling makapag-aral, simula noong 2008 na nagtapos ako ng hayskul, Kaya ayoko nang sayangin pa ang oportunidad na ito. 

                       AKING AWIT

Ang awit na "Maghintay ka lamang"_Ted Ito. Ito ay siyang nagiging paghinga ko ng mga saloobin. May mga linyang sadyang tumurok sa aking puso, ito ay ang mga linyang may highlights 

"MAGHINTAY KA LAMANG"

Kung hindi ngayon
Ang panahon
Na para sa iyo
Huwag maiinip
Dahil ganyan
ang buhay sa mundo
Huwag mawawalan ng pag-asa
Darating din ang ligaya
Ang isipin mo'y may bukas pa
Na mayroong saya

Kabigua'y hindi hadlang upang tumakas ka
Huwag kang iiwas 'pag nabibigo
Dapat na lumaban ka

Koro:
Ang kailangan mo'y tibay ng loob
Kung mayrong pagsubok man
Ang liwanag ay 'di magtatagal
At muling mamasdan
Ikot ng mundo ay hindi laging pighati't kasawian
Ang pangarap mo ay makakamtan
Basta't maghintay ka lamang

Kung hindi ngayon
Ang panahon
Na para sa iyo
Huwag maiinip
Dahil ganyan
Ang buhay sa mundo
Huwag mawawalan ng pag-asa
Darating din ang ligaya
Ang isipin mo'y may bukas pa
Na mayroong saya
Kabigua'y hindi hadlang upang tumakas ka
Huwag kang iiwas 'pag nabibigo
Dapat na lumaban ka

Koro:
Ang kailangan mo'y tibay ng loob
Kung mayrong pagsubok man
Ang liwanag ay 'di magtatagal
At muling mamasdan
Ikot ng mundo ay hindi laging pighati't kasawian
Ang pangarap mo ay makakamtan
Basta't maghintay ka lamang
Ikot ng mundo ay hindi laging pighati't kasawian
Ang pangarap mo ay makakamtan, Basta't maghintay ka lamang.     -end

Ang unang may highlight sa awitin na ito ay Nagpapahiwatig na anumang kabiguan na naranasan natin ay Hindi dapat maging dahilan upang tumigil tayo sa ating mga minimithi sa buhay. Ipinahihuwatig dito na Kailangan nating harapin ang mga pagsubok. Hindi dapat tumakas o umiwas bagkus ay labanan ang anumang balakid sa ating pinapangarap.


Samantala, sa koro naman ng awit na ito ay ipinapahayag na maging matibay ang ating loob sa bawat problema o pagsubok na darating. Dahil ang Buhay ay sadyang tulad ng masikot na daan, na bagaman may mga lubak lubak, sa ating Pagpapatuloy ay mararating din ang daan na mainam. Basta't maging matapang tayo na harapin ang mga sakripisyo. Magpatuloy tayo sa kabila pa man ang ating kabiguan at kahinaan. Dahil may hangganan ang dilim at may liwanag na paparating.

Comments

Popular posts from this blog

ULAN

Pagsusuri ng Nobela

PAGPAPAUBAYA