GURO (ODA)

                              

                               GURO
                ni: Lornadee Ceroriales 

Sa bawat oras mong inilaan, maraming kamalayan ang binuksan 
Mistulan kang bayani ng bayan, na kumakandili sa mga mag-aaral
Kaya't kaisipan ay napunan, naging ganap ang katauhan!
Tulad mo'y isang inang umagapay, at tanglaw sa landas ng buhay

Mahirap man kung minsan, ika'y Hindi nagpatinag! Patuloy kang umunawa at matiyagang umaakay
Sa mga tila noo'y blangkong papel, ay pinuno mo't kinulayan
Sadyang iyong nilinang, at tao'y tinuran

Sa bawat pag-usad ng mag-aaral, ikaw rin ay nagagalak
Kaya't mga ngiti mo'y umaalpas, tanda ng inyong Lakas
Bakas ang iyong ligaya, kung nagtatamo ng pag-asa
Karunungan ng tao'y dala, nagmula sa inyong pagkalinga

Itong Edukasyong natatangi, ilaw sa buhay na mabuti
Isang bagay na di mawawaglit, iyon ang inyong hatid
Tunay na dakila ang inyong ambag, upang may matupad na mga Pangarap
Nagbigay kayo ng kalasag, upang harapin ang matatag na bukas

Comments

Popular posts from this blog

ULAN

Pagsusuri ng Nobela

PAGPAPAUBAYA