HIYA SA TINIG

Ang hiya ay sadyang, katauhang taglay
Mga karanasang, Hindi maiwasan
Natural lang naman, sa buhay ninuman
Dalawin ng hiya, sa'king kamalian

Minsan man sa buhay, karanasa'y pait
May mainam pa rin, ito na kapalit
Minsang kahinaan, siyang kalakasan
At ang kalakasan, minsa'y kahinaan 

Isang karanasang, Hindi malimutan
Noon sa pag-awit, tila nalipasan
Mistulang kwerdas na, biglang nalagutan
Hindi naabot ang, tamang kataasan

Ako ay namutla, isang kahihiyan!
Mistulang patay na, nawalan ng kulay
Puso ay nalumbay, sanhi'y kabiguan
Binahaging awit, hindi napag-husay!

Ngunit ganun pa man, ako'y patuloy lang
Pag-awit na ito'y, di tinalikuran
Puso Ko'y sadyang, awit ay mahal
Napahiya ma'y, di ko tinigilan

Hiya ay natural, sumuko ay bawal
Ito ang sambit ko, sa sarili'y aral
Sinuman sa atin, ay may kahinaan
Kaya mabuhay ka't, ang hiya'y labanan

Comments

Popular posts from this blog

ULAN

Pagsusuri ng Nobela

PAGPAPAUBAYA