KABABALAGHAN
Ang larawan ay kinuha sa IMDb
ANG MANIKA
May dalawang batang babae na magkapatid sa isang probinsya, si Alen na Sampung taong gulang at si Lein na pitong taon lamang. Sila ay nakatira sa bahay ng kanilang "Lola Nida" kasama rin ang kanilang Ina na si Dina. Ang bahay na iyon ay medyo malaki at may dalawang palapag. Dito ay madalas wala ang kanilang Lola dahil sa paglalako ng balot kung gabi at Siopao naman sa Umaga. Ang kanilang Ina ay lagi ring ginagabi sa pagtitinda dahil iniwan na sila ng kanilang ama. Kaya ang kanilang Ina ay kailangang matiyaga sa paghahanapbuhay kahit gabi na. Si Alen ay matapang na Bata ngunit si Lein ay mahina ang loob, kaya si Alen ang madalas na nagpapalakas ng loob sa kanyang kapatid.
Ang batang si Lein ay madalas makakita ng kung anu-anong nilalang sa lugar na iyon. Minsan Sa kanyang pagduduyan sa Ibaba ng bahay kung saan sa may ilalim ng hagdanan, hapon noon nang siya'y naglilibang habang nagduduyan, may narinig siyang sumisitsit sa kanyang likuran, lumingon siya sa kanan, ngunit Wala siyang Nakita, at lumingon siya sa kaliwa, Doon ay tumambad sa kanyang mga mata ang kalansay na sumasayaw malapit sa kanilang palikuran. Umiyak siya ng malakas sa takot at tumakbo papunta sa itaas kung saan naroon ang ate n'ya. Sinubukang puntahan iyon ng ate n'ya ngunit Hindi na iyon nagpakita. Ilan lamang iyan sa mga madalas na karanasan ni Lein. At ang Isang pinaka kinatakutan niya ay ang sumunod na nangyari.
Isang gabi, noon ay araw ng mga Patay. Sa sala ay nagkukwentohan ang magkapatid, habang hawak ni Lein ang paborito niyang manika na may mabilog na mata at singlaki ng bote ng isang litrong Coke. Ang mata ng manika ay pumipikit kapag inihihiga kaya gustong gusto niya ang laruang iyon. Ngunit maya maya ay nasabi ni Lein n "ate, nakakatakot yung Puno Diyan sa labas ng pinto, parang may mata na umiilaw!" Wika ni Lein. "Sus! Baka upos lang ng sigarilyo na napatapon sa Puno". Sagot naman ni Alen sa kapatid. Huwag ka na Kase tumingin diyan sa labas. Tsaka ate Sabi ng mga tao na nagkukwentohan sa labas kaninang Umaga, dati daw itong gubat at maraming Puno ng balite dito sa kinatatayuan ng bahay ni Lola, at marami daw maligno, totoo kaya yun?tanong ni Lein sa kanyang nakakatandang kapatid. "Haynako! Wag mo na isipin yon, tinatakot mo lang ang sarili mo nyan e"madiing wika naman ni Alen sa nakababatang kapatid kahit nakakaramdam din sya ng kaunting takot.
"Ate, Wala pa ba si Lola at si nanay? ang tagal naman nila dumating, natatakot ako" Sabi ni Lein. "Gusto mo ba puntahan natin si inay sa tindahan? Tanong ni Alen sa kapatid. "Gusto pero masakit ang paa ko, Hindi ako makalakad ate, napaliay kase kanina sa paglalaro itong paa ko kaya di ako makalakad ng maayos.sagot ni Lein. "A Sige ako na lang ang pupunta sa tindahan baka kase magliligpit na ng paninda si nanay ay tutulungan ko na para maka-uwi na sya."Ani Alen. "Pero, paano ako? ayoko mag-isa dito ate!.antol ni Lein. "madali lang naman ako, wag ka matakot, lagi ka pang magdasal at Hindi ka pababayaan ni God. babalik din ako agad at dadalhin ko na ang ibang gamit. giit ni Alen. Basta bilisan nyo umuwe ni inay ha!
Sa pag-alis ni Alen, Puno ng takot sa dibdib ni Lein. Nakarinig siya mula sa labas ng alulong ng isang aso wari'y takot na takot. Kaya't iika-ikang Isinara niya ang pinto at mga bintana. Nakaupo siya sa mahabang Bangkong Nara na ginawa pa ng kanyang Ama. Yapos nya ang kanyang manika. Inip na inip sa pagbabalik ng kapatid at pag-uwi ng kanyang Lola at Ina." Bakit kase ang tagal nila dumating!" Pagbulong bulong sa sarili ni Lein. Maya-maya ay nakaramdam ng ihiin si Lein. Kaya bagaman takot siya pumunta ng Banyo ay napilitan siyang magtungo sa palikuran. Iniwan Niya ang kanyang manika sa upuan at paika-ikang lumakad at binuksan ang pinto ng Banyo. Sa kanyang pagbalik sa upuan, ay nagtaka siya dahil Wala Doon ang kanyang manika. Saglit siyang natigilan. " Dito ko lang nilagay Yun ah",ang kanyang bulong sa sarili. Umikot siya ng paningin sa loob ng bahay. At Paglinga niya sa lamesa na halos isang dipa at kalahati ang layo ay naroon ang kanyang manika, nakatayo, nakatagilid na waring naglalakad. kumabog ang kanyang dibdib, kinusot ang mga mata at muli niyang tiningnan ang manika, at totoong nakatayo ang manika nang mag-isa at biglang pumangit ang hitsura niyon kasabay ng paghakbang pa nito ng dalawang beses na bigla pa itong lumingon sa kanya. Bagay na lubhang ikinatakot ni Lein, kaya't nagsisigaw at umiyak Ng Todo sa sobrang takot at siya'y sumiksik sa ilalim ng Bangkong Nara.
Dumating ang kapatid na si Alen, dagling itinulak ang pinto dahil narinig niya ang iyak ng kapatid. "Uh! Anong nangyari? Bakit ka nasa ilalim ng bangko, bakit ka umiiyak? "Ate, Yung..yung manika naglakad at lumingon sakin." sumbong ni Lein. "Ha! Paano e manika lang naman Yan? Paano Yan lalakad? Tanong ni Alen. At umiiyak na nagsalita si Lein, "Ate, naglakad Yung manika at lumingon sakin, Bigla lang sya nabuhal nung dumating ka." Saad ni Lein habang umiiyak.
Maya-maya ay nadiyan na rin ang kanilang Ina at ang kanilang Lola. Inuusisa kung bakit umiiyak ang nakababatang kapatid. At noo'y sinimulang ikwento ni Lein sa Ina ang nangyari. Ngunit tila ayaw maniwala ng kanilang Ina. " Ikaw, Lein yang kapapanuod mo ng horror, yan ang napapala mo namamalik-mata ka na".
Sa pagtatalo ng mag-iina ay may kung anong tinig ang kanilang narinig. Animo'y isang Batang humahagikhik. Lumingon sila sa ibabaw ng lamesa na kinaroroonan ng manika. At sa tagpong iyon ay nakumpirma nila na totoo ang sinasabi ni Lein. Tumayo ang manika at nagbago ng anyo. Nakakatakot iyon. nagsimulang humakbang at Bahagya pang lumingon sa kanila habang humahagikhik ito. Nagimbal sila Sa kanilang Nakita, niyakap ni Dina ang dalawang anak, takot na takot ang dalawang bata. Kaya naman si Lola Nida ay tumayo at sa mga sandaling iyon ay tumawag sa maykapal sa pamamagitan ng panalangin at ang manika ay biglang nabuwal at bumalik sa dati nitong anyo.
Halina kayo mga apo, wag na kayong matakot, kailanman ay hindi kayang talunin ng masama ang mabuti. Kaya't lagi kayong magdarasal lalo't higit sa mga ganitong sitwasyon. "Inyong tatandaan na ang Diyos lang ang tanging makapangyarihan sa lahat at hindi kailanman kayang talunin ng kaaway". Saad ng kanilang Lola.
Mula noon ay tinandaan ng magkapatid ang bilin ng kanilang Lola. Sila'y naging mapanalanginin at naging matapang sa lahat ng oras. Dahil batid nila kung gaano kalakas ang panalangin upang daigin ang masasamang elemento na gumagambala sa buhay ng isang tao. Ang batang dati ay mahina ang loob, noon ay naging ganap ang pagtitiwala sa Diyos at naging buo ang loob.
Comments
Post a Comment