Maikling Kwento: Sa ilalim ng tulay


Maikling Kwento:
                    
                   SA ILALIM NG TULAY
            
                  ni: Lornadee Ceroriales 

Isang dapithapon sa ilalim ng tulay, doon ay may mababaw na bahagi ng sapa o ilog kung Panahon ng tag-init. Sa lugar na ito ay Kinaugalian na ng Ilan sa mga tagarito ang maglangoy at magdala ng mga labahin. Kaya naman sa mga pagkakataong iyon, marami ang naglangoy na mga Bata at mga Ina na naglaba. Ngunit dahil hapon na niyon ay natapos na ang iba sa kanilang paglalaba tulad ni Risa na Kaibigan ni Nida. Kaya nagpaalam na ito. "Nida, Mauna na ako umuwe ha, hindi ka kase gumaya sakin na laging umaagap sa paglalaba! Tuloy, kayo na lng ng mga anak mo ang  naiwan dito. Wika nito sa kanya. " Sige lang, Kaya ko naman dito, malapit na rin naman ako magbanlaw ng mga ito. Sagot ni Nida sa kaibigan. At doon ay naiwan ang mag-iina. inabot na ng takipsilim si Aling Nida sa pagbabanlaw ng mga kasuotan, habang masaya pa ring nagtatampisaw sa mababaw na tubig ang dalawa niyang anak, si Ana at si Nica na isang limang taong gulang at  pitong taon. Halos ayaw pa umahon ng dalawang Bata, waring tuwang tuwa sa tubig. Samantala, nagmamadali na ang kanilang ina sa pagbabanlaw ng nilabhan. Dahil biglang nakaramdam ng kaba sa dibdib si Aling Nida. Sa tagpong iyon ay napansin niyang biglang dumilim ang paligid, kumapal ang mga ulap at lumamig ang simoy ng hangin bagaman Panahon ng tag-araw. Hindi niya batid kung bakit pero may masama siyang naramdaman para sa kanyang mga anak. Saglit niyang tinapunan ng tingin ang kanyang dalawang anak. Tinawag niya ang dalawa, at sinabing "mga anak, tumayo na kayo d'yan pumarito na kayo sa tabi ko at Nica, tulungan mo na ako  mag-ayos ng damit dito sa ating timba para makauwi na tayo. Ngunit tila ayaw pa sumunod ng dalawa, kaya't tinaasan niya ng tinig ang mga ito, " Dali na! makinig na kayo at mukhang dumidilim na! Kailangan na natin makauwi!" Saka lamang tumalima sa kanya ang dalawang bata. Lumapit sa kanya ang mga ito. "Sige po inay, tutulungan na kita maglagay ng damit sa dalawang timba. ani Nica. "Sige anak pag-ayusin mo para Hindi ako mahirapan maglabit ha!  

Ngunit habang nagsasalansan sila ng mga damit sa lagayan ay napatingin si Nida sa tubig, napansin niyang lumalabo ang kulay nito, tumataas, at bumibilis ang agos kasabay ng lalong pagdilim ng mga ulap at pag-ihip ng malamig na hangin. Nagtaka siya kung bakit, pero halos dumadagundong na ang kanyang dibdib sa labis na kaba at takot, sa pagtunghay niya  sa bandang dulo ng sapa ay nakita niya ang malaking ulo ng baha na dadaan sa kinatatayuan nila, bigla siyang natuliro, nalito kung ano ang uunahin niyang iahon sa tubig na iyon, kung ang mga damit na nasa lagayan o ang mga anak niya. Pilit niyang inaangat sa tubig ang timba ng mga damit ngunit nalagyan na ng tubig kaya't lalo itong bumigat. 

Dagli namang may sumigaw sa kanyang gawing likuran, na sa pag-aalala sa kaibigan ay patakbong nagbalik sa lugar na iyon. "Nida Dali! Buhatin mo na ang mga anak mo! Bitawan mo na ang mga damit na Yan!" Hudyat ni Risa. At nang sandaling iyon si Nida ay mistulang agila na dumagit sa dalawa niyang anak upang iahon sa  tubig na iyon, at pagkaraka'y dumagsa ang baha sa ilalim ng tulay na iyon at natangay ang lahat niyang nilabhang kasuotan.

Noon ay tulalang nagtanong si Nida, Anong nangyari, bakit biglang sumama ang panahon? Samantalang tag-araw? Tanong ni  Nida sa kaibigang si Risa."Ay nako! Hindi ko pala nasabi sayo, Hindi ka pa talaga natatagalan sa paninirahan dito, Kase may Panahon talagang bigla na lang bumabaha sa  ilog na Yan sa ilalim ng tulay. Sabi ng ilan, maaaring dulot iyon ng biglang pagbabago ng Panahon. Ngunit Sabi naman ng iba ay mayroong masamang nilalang sa ilalim ng tulay na ito, kaya taon taon ay kumukuha ng buhay, bata man o matanda. Kaya Hindi ka dapat nagpapaabot ng alanganing oras sa ilalim ng tulay. E kung Hindi ako dumating baka ito na ang huling dapithapon ninyong mag-iina. saad ni Risa. "Naku! Buti na lang dumating ka at sumigaw sa akin, dahil Hindi ko na talaga alam noon kung alin ang uunahin kong iahon, para akong nawala sa aking katinuan, Mahal na mahal ko ang dalawa kong anak, di ko kakayanin kung may nangyari sa kanilang masama." Kaya salamat sayo Risa, dahil sa isang sigaw mo ay nagising sa pagkalito ang aking ulirat  para isalba ang aking mga anak. At noon ay lumakad na pauwi sa kanilang tahanan si Nida na yakap yakap ang kanyang mga anak. 

Ikinwento niya sa kanyang Asawa ang nangyari at sinabi niyang iyon ang isang dapithapon na Hindi niya malilimutan sa ilalim ng tulay. Mula noon ay laging sinisigurado ni Nida na lagi niyang uunahin ang kapakanan ng kanyang mga anak sa lahat ng pagkakataon.

Comments

Popular posts from this blog

ULAN

Pagsusuri ng Nobela

PAGPAPAUBAYA