Saklap (Malaya ka na)
MALAYA KA NA
Ako ba ang nagkulang?
Bakit sa iyong pangako, ikaw ay bumitaw?
Anong mali sa'kin?,bakit Hindi mo sabihin
Ano pa ba ang kailangan kong gawin, para ang gusot ay ayusin
Noon Sabi mo, mananatili ka sa piling ko
Noon Sabi mo, ako ang Buhay mo
Ngayon anong nangyari sayo? Bigla Kang nagbago
Ngayon paano na ang mga pangako mo at mga Pangarap nating binuo
Totoo nga ang sinasabi ng iba, ang pag-ibig madalas, sa simula lang masaya!
Sadyang ang sinuman ay nagbabago, maging ang nararamdaman nito.
Hindi ako ang nagkulang, baka sumobra pa nga ako
Kaya sa pag-ibig na ito, ikaw ay umabuso
Dahil alam mong mahal kita, at laging tapat ako
Kaya ang iyong pangako ay iyong pinako
Alam Kong walang mali sa'kin, kaya't hindi mo maamin
Sa puntong ito wala na akong dapat gawin, kundi ika'y palayain.
Comments
Post a Comment