Kwentong kapaligiran: Aplaya
APLAYA Masaya at saganang namumuhay sa linang ang mag-asawang sina Richmon at Erich sa simpleng tahanan. Medyo layo layo ang mga bahay at masasabing tahimik ang lugar. May malawak silang taniman ng mga halamang gulay pati mga bulaklak. Mayroon silang dalawang anak na lalaki na madalas naglalaro sa labas ng kanilang bakuran na doon ay may mga puno ng mangga at iba pang punong kahoy. Sa isang bahagi ay naroon ang isang hukay na pinagiimbakan nila ng mga nabubulok na basura gaya ng dahon at balat ng gulay. Mayroon din silang sako na pinagiipunan ng mga basurang hindi nabubulok gaya ng mga boteng plastik at iba pa. Sa madaling salita ay kanilang nasusunod ang patakaran sa kapaligiran sa kanilang baryo. Lumaon ang mga araw, tila malaking pagsubok ang gumambala sa maayos nilang kalagayan. Isang malaking pagsubok ang kanilang hinarap. Sapagkat noon ay nakikitira lang sila sa bahay at ...