Pagsusuri ng Pelikula
MAGNIFICO ni Maryo J. de los Reyes I. PANIMULA Ang “Magnifico” ay isang pelikulang drama-trahedya na gawang pinoy. Ang pamagat nito ay tumutukoy sa pangunahing tauhan ng pelikula, isang batang musmus na maagang namulat ang isapan dahil sa kahirapan. Pangunahing paksa nito ay ang payak na pamumuhay, mga pagsubok at mga dagok sa buhay na karaniwang kinakaharap ng bawat pamilyang Pilipino. Umiikot ang storya nito sa mga kahirapang nararanasan ng mga ordinaryong tao, ang mga pagsisikap, tagumpay at kabutihang loob. Isa rin itong pelikulang sumasalamin sa pag-asa. Na sa gitna ng patong-patong na problema ay magagawa pa rin itong solusyunan sa simpleng paraan at sa abot ng makakaya. Ito'y sa direksyon ni Maryo J. de los Reyes, isang batikang direktor at nominado sa iba't ibang parangal. Siya ang nagumpisnag magdirihe ng mga peliku...