Posts

Showing posts from September, 2022

GURO (ODA)

Image
                                                              GURO                 ni: Lornadee Ceroriales  Sa bawat oras mong inilaan, maraming kamalayan ang binuksan  Mistulan kang bayani ng bayan, na kumakandili sa mga mag-aaral Kaya't kaisipan ay napunan, naging ganap ang katauhan! Tulad mo'y isang inang umagapay, at tanglaw sa landas ng buhay Mahirap man kung minsan, ika'y Hindi nagpatinag! Patuloy kang umunawa at matiyagang umaakay Sa mga tila noo'y blangkong papel, ay pinuno mo't kinulayan Sadyang iyong nilinang, at tao'y tinuran Sa bawat pag-usad ng mag-aaral, ikaw rin ay nagagalak Kaya't mga ngiti mo'y umaalpas, tanda ng inyong Lakas Bakas ang iyong ligaya, kung nagtatamo ng pag-asa Karunungan ng tao'y dala, nagmula sa inyong pagkalinga Itong Edukasyong natata...

ULAN

Image
Tuwing umuulan, ala-ala'y hatid Mga ngiti sa labi, maging luhang labis Kaugnay ang ulan sa diwa ay batid Nasilip ang saya, banaag ang hapis Mga ala-alang biglang nagbabalik Sa balintataw Ko'y aking nasisilip Dating kababata sa buhok Ko'y humalik Sa pagod maglaro'y dibdib sumisikip Masayang saglit ng isang kabataan Wala ngang katumbas na anumang bagay Sa panahong nagmahal sobrang nasaktan Puso'y may saya at lungkot sa'ting buhay Panahon ay sadyang may hiwagang angkin Ulan na minsan ay saksi ng damdamin

HIYA SA TINIG

Image
Ang hiya ay sadyang, katauhang taglay Mga karanasang, Hindi maiwasan Natural lang naman, sa buhay ninuman Dalawin ng hiya, sa'king kamalian Minsan man sa buhay, karanasa'y pait May mainam pa rin, ito na kapalit Minsang kahinaan, siyang kalakasan At ang kalakasan, minsa'y kahinaan  Isang karanasang, Hindi malimutan Noon sa pag-awit, tila nalipasan Mistulang kwerdas na, biglang nalagutan Hindi naabot ang, tamang kataasan Ako ay namutla, isang kahihiyan! Mistulang patay na, nawalan ng kulay Puso ay nalumbay, sanhi'y kabiguan Binahaging awit, hindi napag-husay! Ngunit ganun pa man, ako'y patuloy lang Pag-awit na ito'y, di tinalikuran Puso Ko'y sadyang, awit ay mahal Napahiya ma'y, di ko tinigilan Hiya ay natural, sumuko ay bawal Ito ang sambit ko, sa sarili'y aral Sinuman sa atin, ay may kahinaan Kaya mabuhay ka't, ang hiya'y labanan

ANAK AKO

Image
Nang ako'y musmos pa lamang Aking ama ay lumisan Ang Kanyang tanging larawan Ang siya kong tinitingnan Upang siya'y masilayan Minsan ako'y nagtatanong Ama Ko'y saan naroon?  Kalungkuta'y nadarama Nais sana'y makasama At sana'y mayakap siya Nabakas sa aking mata Ang kabiguan at lumbay Butil sa pisngi'y dumaloy Sanhi ay kanyang paglisan  Sa piling ni inang mahal Aking ina'y inspirasyon Pagharap sa mga hamon Madapa man ay bumangon Sinubok ng panahon Anak akong tumutugon Bilang anak ako'y sadyang  Nagpatawad at nagmahal Sila pa rin ang dahilan Kung bakit ako'y nabuhay Sa mundong ginagalawan

AKO AT AKING AWIT

Image
                               AKO Sa aking kasalukuyang sitwasyon, ang tulad Ko'y isang kawayan na nakatungo habang  hinihipan ng malalakas na hangin kasabay ng bugso ng ulan. Isang Puno ng kawayan na nagtutumibay sa pagharap sa unos. Bagaman mukhang mahina at ibinabaling ng hangin sa kanyang paghihip, ang kawayang ito ay nananatiling matatag na puno kahit nakatungo at nahihirapan.  Ito'y dahil ayokong sayangin ang oportunidad para sa aking Pangarap, bagaman ako'y punò ng alinlangan sa aking sarili dahil batid ko ang aking mga kahinaan, ay gusto ko pa rin magpatuloy sa kabila ng mga problema na aking hinaharap. Hindi madali ang sakripisyo ng isang inang tulad ko, kaya't ito'y isang hamon sa aking buhay kung paano ko ito mapapanagumpayan.  Anim na buwan pa lang sa ngayon ang aking munting anghel na ikatlo sa aking mga supling, at isang mahirap na pagpili ang kailangan kong gawin, P...

PINAGPALA

Image
May mga bagay o pangyayari sa ating Buhay na masasabi natin na tayo ay pinagpala, gaya ng magandang katayuan sa buhay, Malaking Bahay,  magandang trabaho,   kasikatan, taglay na katalinuhan, at mga Talento na meron ang isang indibidwal. Ngunit Kadalasan ang mga bagay na ito lamang ang siyang binabasehan ng ilan sa atin  upang masabi na sila ay pinagpala. At ang mga simpleng pagpapala ay hindi na halos makita ng iba. Ikaw Kaibigan, kumusta ka? Masasabi mo ba na isa ka rin na pinagpala? Kung ako ang tatanungin, ako ay pinagpala sa kabila ng aking mga Pangarap na nais pang matupad. Anu-ano nga ba ang mga pagpapala na aking tinitingnan Kung bakit ako'y isang pinagpala? Ako'y pinagpala dahil sa mga ito: BUHAY Sa bawat paggising natin sa isang bagong Umaga ay maituturing na itong isang pagpapala o isang malaking biyaya mula  sa maylalang. Ito'y dahil kung wala ang buhay, Hindi na muling masisilayan ang ganda ng paligid na kanyang nilikha, at Hindi na rin m...